“Ang pag-ibig ay matiyaga”

945

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ang pag-ibig ay matiyaga, kaya’t araw-araw ipagdarasal kita.

‘Diko ko paman nasisilayan ang magagandang kislap ng iyong mga mata, diko paman alam kung ikaw ay sintunado o magaling kumanta.

Ngunit pangako sayo, di ako magsasawang kausapin siya tungkol sayo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ang pag-ibig ay matiyaga kayat hihintayin kita. Hindi ito yung paghihintay laman para sayo.

Pero ito ang paghihintay sa kanyang dakilang plano.

Kayat di ko kailangan ng salita mo o makilala ka sa panahong ito, ito ay asahan mo, pangako, maghihintay ako para sayo.

Ang pag-ibig ay matiyaga kaya’t oo, diko papakinggan ang sigaw ng mundo, mananalangin at maghihintay ako para sayo.

Naniniwala ako ika’y kasama sa plano ni kristo, magtitiyaga ako dahil ang pag-ibig ko’y totoo.

Itong tula ay para sayo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required