Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Tinta

Ikaw ay parang Tinta,

Gumuguhit, nag mamarka.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ang buhay mo ay parang tinta,

Nag iiwan ng marka sa bawat nakakasalamuha,

Ang tintang nag bibigay saya, ngiti sa mga kasama. 

 

Espada

Ikaw ay parang Espada,

Isang uri ng sandata,

Gamit sa pakikipagdigma,

Lumalaban para sa Tama o pantanggol sa masama.

 

Susi

Ikaw ay parang Susi,

Gamit na pambukas sa buhay na nakasara.

Ikaw ay instrumento upang makalaya mga damdaming nakatago at di makawala.

 

Araw

Ikaw ay parang Araw.

Naghahatid ng pag asa at gabay sa bawat buhay na nawawalan na ng sigla.

Nagbibigay din ng liwanag sa buhay na puro dilim ang nakikita. 

 

Ang pangalan mo ay TESA.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required