B i t a w

Bitaw sa mga magagandang konseptong nilikha ng isipan.

Bitaw sa mga masasayang araw na mahirap kalimutan.

Bitaw sa matinding nadaramang hindi na kayang suklian.

Bitaw sa pangarap na malabo nang makamtan.

Palayain ang sarili sa mga pagsisisi.

Palayain ang sarili sa mga panahong hindi na maibabalik.

Palayain ang sarili sa hindi na maaari.

Palayain ang sarili sa pagkapit.

Punasan na ang mga luha,

Tanggapin na wala na.

Gumising na sa realidad ng buhay,

Bumangon na’t harapin ang panibagong umaga.

Exit mobile version