Babae
Categories Poetry

Babae

Balingkinitan, maputi, makinis – MAGANDA
Matangkad, matalino, talentado- MAGANDA
Matangos ang ilong, pantay ang kilay, mapupungay ang mga mata- MAGANDA.

Dito nga lang ba nasusukat ang kagandahan ng isang babae?
Sa pisikal na anyo at sa kung ano ang sabi ng mundo?
Nakalimutan na ba natin kung ano ang mas mahalaga?

Ano nga ba ang babae?

Babae,
Kayang kumilos at maging mahusay ng Hindi naka dependi sa tao
Ng hindi humuhugot ng lakas sa mga lalaki
Kundi sa Diyos lamang.

Kayang gumawa ng mga desisyong nakabatay sa kagustuhan ni Bathala.
Handa sa lahat ng bagay
At hindi dali daling bumibigay sa mga problemang dumarating
‘Pagkat alam niya kung saan sya huhugot ng lakas dahil Marami na rin siyang napagdaanan,
Kalungkotan, kagalakan
Kahinaan, kalakasan
Kamangmangan, karunungan
Kahirapan at kaginhawaan
Marami na syang natutunan

Siya ay pweding maging buo
Kahit wala pa ang kabiyak ng kanyang puso
Sapagkat hindi totoo ang mga katagang “Binuo mo ako” na nakabatay sa tao
Dahil Diyos lamang ang makagagawa nito.

Babae,
Ginawa ka ng Diyos na maganda basi imahe Niya
Ginawa ka ng Diyos dahil may plano Siya para sayo
Hindi ka aksidente
Pinag isipan at pinagplanohan Niya ang lahat ng tungkol sayo
Iba ka sa lahat wala kang katulad.
Kaya’t huwag mong ikumpara ang iyong sarili sa iba
‘pagkat may kakayahan ka na hindi nila magagaya
May paraan ka na ikaw lang ang nakagagawa

Babae,
Ipagpatuloy mo lang ang iyong nasimulan
Lalo na’t kung ito’y ikinasasaya ng Diyos
Ang mga pinapangarap mo’y makakamtan sa panahong itinakda Niya
Husayan mo pa lalo
At kung hindi ka man nakikita ng mga tao
Nakikita ka naman ng ating Ama at yun ang pinaka mahalaga.

Babae,
Huwag gawing batayan ang sinasabi ng mundo sa kung ano ang depinisyon ng GANDA at HUSAY.
Makinig tayo sa nag-iisang boses
Boses ng Maylalang sa atin.

Babae,
Kayamanan ka ng Diyos.
Mahalaga ka.
Iniingatan.
At pinoprotektahan.

Babae,
Matatag ka.
Sapat ka.
Buo ka na.
Kaya mo.