Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Di ko alam bat ako nagkakaganito, di ko alam bakit ako nagkakaganito dahil sayo

Oo alam ko saglit palang tayong nagkakilala

pero kase mula nung lumisan ka sobrang bigat ng aking dinadala

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Di ko alam bat ko sinimulan siguro dahil umasa ako sa walang hanggan

Umasa na ikaw na ang sa akin nakatakda, ikaw ang magaantay sa kin sa dulo ng dambana

Pero si kupido ay mali ata ang pinana, ako ay tinamaan sa puso,

at ikaw naman ay sa paa, dahil natalisod ka lang ata

Natalisod at agad kang nakabangon habang ako eto nananatili parin nakabaon

Di na makabangon bangon mula sa pagkakalaglag ko sayo sa ilang beses na pagkakataon.

Bawat sambit ko ng matamis na salita tila ako ang nahuhulog sa sarili kong pakana

Ngayong di ko alam kung bakit ko ginawa, sana talaga di na lang nagsimula.

Sana’y di na lang tayo nagkwentuhan, sana di na lang tayo nagkulitan

Para nanataling tahimik ang magulo kong mundo, na kahit magulo sanay naman ako,

Di ako sanay na may taong tulad mo na papasok sa aking buhay

saglit lang na papawiin ang aking lumbay pagkatapos ay iiwan muli ang mundo ko ng walang kulay.

Sana’y di na lang umawit, para di na nabighani sa aking tinig

Nanatili na lamang sa magkabilang panig, nanatiling di magkakilala

Upang di makabuo ng ganitong ala-ala

Sana’y di nalang pinansin nung tinawag mo ang aking pangalan

Di pinansin at di ka nilapitan, nanatiling estranghero sa isa’t isa

Pero nangyari na at di ko na maibabalik pa

Pero sana’y di na lang talaga sinimulan, kung ganito kasakit ang magiging katapusan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required