Bagong Buhay na Wala Ka
Categories Relationships

Bagong Buhay na Wala Ka

Simula na ng pagkauntog ko,
Ngayon ay natauhan na ako,
Muling babangon sa hukay na ginawa mo,
Simula sa Araw na ako’y Pinaibig mo.

Ako’y hindi mo sadyang nasaktan,
Ngunit Hapdi at Pighati ang nararamdaman,
Puso’y kinuha at bigla na lamang iniwan,
dahil sa pagmamahal na wala pa lang katotohanan.

Di ko maintindihan kung bakit nangyari ito?
siguro nga kasalanan ko rin ito.
Dahil binigyan kita ng karapatan,
at yun ay ang puso ko’y iyong saktan.

Ngunit ako ay Babangon na,
at sa aking pagbangon lahat magbabago na.
Bagong yugto ng buhay sisimulan,
Kung saan di na ikaw ang minamahal.