Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ipinalangin ko sa Panginoon na nawa’y makapag usap tayo, dahil nais ko malaman ang dahilan mo. Una ko ipinalangin sa Panginoon na nawa’y tanggalin niya lahat ng negatibong emosyon sa puso ko at ito ay itama Niya para hindi ako maging bulag sa aking paghusga sa’yo. At lalo higit sa lahat maging handa ako kausapin ka pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Araw araw ko ipinapanalangin, hanggang dumating ang isang araw sinagot ng Panginoon ang aking panalangin, tayo ay nagkita at nagkausap. Masaya ako makita ka dahil unti unti ka na nagiging maayos at tinutupad ang pangarap mo.

Sa pag uusap nating dalawa tungkol sa nangyari, naging mas malinaw at mas naintindihan ko na, ang sinabi mo sa akin na “kaibigan lang talaga at wala ng hihigit pa doon”.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pagkatapos ng ating pag uusap mas na-appreciate ko ang pagkakaibigan natin. Hiling ko lang nawa’y maging masaya ka sa desisyon mo at sa kanya na pinili mo. Dahil ang lagi ko lang panalangin sa Panginoon ay maging masaya ka.

Ngayon handa na akong buksan ang bagong kabanata ng aking buhay dala dala ang mga aral na aking natutunan na hatid ng nagdaang chapter. Para sa best version of myself. I know while I’m waiting the Lord mold me to be a Godly woman. And I will continue to wait for the rightman that the Lord created just for me, a Godly man.

Thank you 👍💜🙂

Photo credit to the owner

Send me the best BW Tampal!

* indicates required