Baka Hindi Pa Ngayon
Categories Relationships

Baka Hindi Pa Ngayon

We are all aspiring to have a Christ-centered relationship.

Iyong kasama mo mag lilingkod sa Lord, sa ministry at iyong hindi magsasawa na samahan ka sa bawat pagsubok na kakaharapin.

There I found you. Family oriented, praktikal, may sense kausap at higit sa lahat, talagang nandun ung puso sa paglilingkod sa Lord. We agreed on the process and I really saw how you honor God, me and my parents. But here we are now, letting God work and choosing our own pathway.

Hindi pala sapat na niluto lang sa panalangin. Hindi pala sapat na naglilingkod lang. Marami pang aspeto na dapat i-consider at hubugin. Pag buo ng sarili at panindigan. Hindi naman din kasi tayo pakakainin ng pagmamahal lang. We need to establish ourselves more. Hindi man tayo ngayon,pero baka sa tamang panahon makita natin ang isa’t isa na handa na at kaya ng panindigan kung ano ang ating nasimulan. It was never a waste. And I am also praying for your healing. All things work together for good!