Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Baka Nga Panahon Na.
Panahon na para tanggapin na hindi mananatiling walang kasama.
Baka nga panahon nang alisin ang pagkasanay sa pag-iisa
Dumating na ang panahon na maaari nang magbukas ng bintana.
Susubukang tignan ang kayang ibahagi at kung ano ang dapat isantabi.
Itutuon ang pansin sa potensyal at mga posibilidad.
Iwawaglit sa isipan ang mga bagay na hindi pa nailahad.
Ngunit, sa bintana lang muna sisilayan
Habang hindi pa kumakatok sa pintuan.

Baka nga panahon na.
Panahon na para isipin na sa aking dasal ay dumating na ang kasagutan.
Pwede nang hayaan ang sarili na tumingin sa kinabukasan.
Kilalanin ang kaibigan ng higit pa sa dapat maramdaman.
Pakikinggan ang mga salitang hindi pa binibitawan.
Sabay nating alamin kung ito nga ba ay nararapat subukan.
Dahil baka nga panahon na.
Panahon na upang seryosohin ang birong maaaring may katotohanan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required