Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

bakit ba ako malulungkot kung sa ngayon nasisilayan ko na

ang mga ngiti saiyong mga mata, na dati ako ang dahilan

kung bakit ka masaya

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

bakit ba ako malulungkot kung sa ngayon nadarama mo ang kalayaan

nuon mo pa hinahanap. Na minsan di ko inakala ang pagpapalaya ko saiyo

ang magbibigay saiyo ng pakpak para maabot ang iyong mga pangarap

 

bakit ba ako malulungkot kung sa ngayon nahanap mo na ang totoong

ikaw na nuon mo pa hinahanap. Masakit man isipin ang lahat ng alala

nuong tayo pa ang magkasama, lalo sa panahon ng magkaaway at di makita

lungkot saiyong mga mata.

 

ako ay nagsisisi sa lahat ng kamalian nagawa saiyo dati

masasakit na salita namutawi saiyong labi

sumbat ng iyong puso kailan man hindi mapapawi

 

Ngayon tanging hiling ko sa maykapal, na sana ako ay mapatawad, manumbalik man lang

pagkakaibigan walang katulad, parang sa simula nuong unang pagkikita

nining ng iyong mata, ngiti saiyong labi ang una kung nakita.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required