Bakit Ba Tayo Nare-reject?
Categories Dating Tips

Bakit Ba Tayo Nare-reject?

Have you ever been rejected? Sa babaeng nililigawan, sa isang trabahong gusto mong makuha, o kaya naman ay sa mga kaibigang gusto mong samahan. Iba-iba ang ibig sabihin sa atin ng salitang rejection, pero isa lang ang epekto nito sa mga tao, pagkalungkot at sakit. Masakit ma-reject. Sino bang tao ang hindi pa nare-reject? Parang wala na naman ata.

 

Sa totoo lang, sa buhay hindi lang isang beses ka mare-reject o hindi matatanggap. Pero hindi ‘yon dapat maging daan para sukuan mo ang isang bagay o isang tao dahil lang sa ni-reject ka. Subukan mo pa rin. Subukan mo pa ring baka pwede kahit nakailang reject na sa feelings mo, keysa naman magsisisi ka sa huli hindi ba? Mas okay na yung ginawa mo ang lahat ng alam mong paraan para maiparamdam at masabing gusto mo siya kahit paulit-ulit ka na niyang nire-reject.

 

Bakit nga ba tayo nare-reject? Isa lang ang alam kong dahilan kung bakit, dahil unang-una hindi siya para sa’yo at mas lalong hindi ka para sa kanya. May ibang taong mas deserve ang pagmamahal na kayo mong ibigay sa taong nagreject sa’yo. Dati, naniniwala ako na “kapag gusto mo, magagawan mo ng paraan”, hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay pwedeng gawan ng paraan. Sa trabahong ilang beses mo nang pinagpasahan ng resumé mo, pero wala pa ring nangyayari. Bakit? Dahil hindi ka para doon, hindi ka para sa ganoong kalagayan. Sa babaeng nililigawan na ilang beses nang sinabing, “sorry, hanggang kaibigan ka lang talaga“. Hindi siya para sa’yo! Tandaan mo, hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa kahit sinong tao o sa kahit ano pa mang sitwasyon, mapa-trabaho man ‘yan, nililigawan, o kahit simpleng pagkakagusto.

 

May tamang kompanya o organisasyon na tatanggap sa’yo, yung “qualified” ka at na-aappreciate ang kakayahan mo. May tamang taong tatanggap sa’yo, yung hindi mo na kailangang maramdaman pa ang rejection dahil kusa ka niyang sasagutin o kusa ka niyang mamahalin. Dahil mas masaya kapag nasa tamang tao ka na, nasa tamang sitwasyon, at nasa tamang panahon. When you feel down because you’ve been rejected too many times, don’t worry you are not the only one. It doesn’t mean that you should be lonely forever, but you should be thankful because you’re not going to waste any more time with the wrong person.