Tinanatong ko sarili ko “bakit ka bumitaw?”. Akala ko ba ako ang gusto mong maging last boyfriend and eventually your husband?. Madaming tanong sa isip ko na hindi mahanapan ng sagot. Oo masakit, masakit ang masaktan. Yung akala mong steady na, pang-forever na kayo tapos sa isang iglap lang, biglang ayaw na nya. Masakit yun lalo na pag ikaw mismo yung nagmahal nang tunay.
Sa loob ng 5 months, minahal kita nang tunay . Oo maikling panahon lang yun pero sa ganung haba ng panahon, minahal mo ako. Ramdam ko yung pagmamahal na pinadama mo sa kin. Halos umikot ang mundo ko sa yo. Diba humiling ka pa nga sa akin na gusto mo ako ang magiging last last boyfriend mo, dahil mahal na mahal kita, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para matupad yung hiling mo na yun. Hanggang sa binigay mo na sarili mo sa akin. Sinabi mo sa akin kaya mo binigay sarili mo dahil mahal mo ako. Tinanggap ko yun as a sign of accepting you in my life. Handa na nga sana kitang ipakilala sa mga magulang ko dahil gusto ka na din nilang makilala, timing nalang talaga ang kailangan nating dalawa para maging official na tayong dalawa. Tapos isang araw, bigla ka nalang nagtext sa akin na ayaw mo na, na wala na tayo.
Naguluhan ako gusto. Ang akala ko binibiro mo lang ako pero hindi na pala. Gusto ko nang umiyak nung araw na yun, para bang yung gana mo sa buong araw biglang nawala. Tinatawagan kita pero binabagsakan mo lang ako ng telepono. Nag-half day pa nga ako sa trabaho ko para lang makausap ka pero hindi mo man lang pinansin tila ba hindi mo ako kilala. Isang linggo akong hindi nakatulog, naguguluhan, nalulungkot. Nagdesisyon ako na surpresahin ka Nagpadala ako ng bulaklak at sulat para sayo para suyuin at humingi ng tawad sa kung ano man ang nagawa kong mali. Haanggang sa nagtext ka, at pinapunta mo ako sa inyo. Nagpunta naman ako ng gabi sa inyo at sinabi mo na talaga sa akin na wala nang tayo. Tinatanong kita kung bakit pero hindi mo lang ako masagot, basta wala nang tayo. Ang tanging sagot mo nalang ay ayaw mo ng LDR dahil sabi mo, masasaktan lang tayo lalo na ako. Sinabi ko naman na as long as may communication tayo at mahal na mahal natin ang isa’t sa, kakayanin natin pero wala na talaga.
Gusto ko lumaban tayo nang sabay para sa relationship natin pero ako nalang din pala yung lumalaban at ikaw, bumitaw nalang. Halos lumuhod na ako at magmukang gago sa harapan mo pero tigas mo pa ding sinabi na wala nang tayo. Alam kong umiyak ka din nun. Umuwi ako sa amin, umiiyak, durog ang puso. Oo lalake ako pero umiyak ako, umiyak ako dahil sobrang mahal kita pero bumitaw ka. Akala ko ba hanggang sa huli tayo pero bakit ka bumitaw? Sobra akong nasaktan ang nadurog. Days have passed, bigla kang nagtext sa akin, may gusto kang sabihin sa akin pero hindi mo na nasabi kung ano ang gusto mong sabihin sa akin…
Hanggang ngayon umaasa pa din ako na babalik ka sa akin. Sinabi ko sa sarili ko na kapag bumalik ka at wala pang iba sa puso ko, tatanggapin kita at magsisimula muli tayo. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay. Hindi ko alam kung babalikan mo pa ako. Kahit na bumitaw ka, mahal na mahal pa din kita. Sayo ako natuto kung paano magmahal nang tunay. Kung bibigyan man ako ng isang pagkakataon, babawi ako sa mga lapses ko. Sana bumalik ka na sa akin at magsimula muli tayo.
Mahal na mahal kita Michelle…