Di’ natin maiiwasang isipin nang paulit-ulit na may halong lungkot at takot sa ating pagkatao, lalo na sa mga nakaranas nang maiwan na walang dahilan ang tanong na “Bakit nga ba tayo iniiwan?.”
Kahit nga mga langgam e, umaalis kapag wala ng makuhang pagkain. Kahit mga ibon sa himpapawid umaalis kapag nakakaramdam na may malaking bagyong paparating, at kahit ang araw, lumulubog para lang magbigay ng pagkakataon sa buwan at mga bituin na magningning at magliwanag. Sa bawat pag-alis, may kanya-kanya tayong dahilan at higit sa lahat may mga bagay rin tayong natututunan.
Napakaraming posibleng dahilan kung bakit tayo iniiwan. Maaaring nagsawa sya at hinayaan mo lang sya na magsawa, hindi ka na mahal dahil hindi narereciprocate yung love na dapat na meron sainyong dalawa. Nasakal mo sya kasi without knowing, nakakasakal ka na pala. Pwede ring “you deserve someone better” daw, dahil hinayaan mo sya na makapag-isip ng dahilan at maiparamdam sa kanya na “you deserve someone better” nga daw or baka naman nawawala yung sarili niya at hinayaan mo naman na mahanap niya yun sa tulong ng ibang tao. Pwede rin namang dahil sa LDR? so parehas kayong nahihirapan, na hindi ready sa pagdaraanan. At lastly pwedeng pwede na may iba na sya pero ikaw nagpapakatanga ka pa. Well, sa sobrang dami ng dahilan sa mundo hindi talaga natin alam kung ano ang totoo.
Pero bakit nga ba ulit? Saan ba? Anong mali?… Naniniwala ka ba sa forever? E kasi nga wala namang forever sa inyong dalawa, I mean baka hindi nga talaga kayo para sa isa’t isa. Kaya mo bang magrecycle ng basura? I don’t think so. Yun yung isa sa pinakamahirap gawin, yung magrecycle ng basura tapos alam mo sa sarili mo na in the end itatapon niya lang din ulit yung bagay na pinaghirapan mong buoin at ayusin. Syempre bilang tao iisipin ulit natin kung ano nga ba talagang mali? Saan nga ba tayo nagkulang? Nagmahal lang naman tayo, sana di na lang tayo nagmahal, sana di na lang tayo naniwala sa pag-asang may mangyayari pang mas maganda. Minsan tayo na lang din gumagawa ng paraan para mag hold on sa relasyon na alam nating pasira na, kasi natatakot tayo na baka hindi na natin maramdaman ulit yung pagmamahal na una nating naramdaman, natatakot tayo na mawalan ng pagkakataon na mahalin ulit. Stop holding on please, pag wala na, wala na! Di’ na kailangan ipagpilitan pa kasi in the end ikaw lang din ang masasaktan, ikaw lang din ang mahihirapan which is hindi mo deserve sa kabila ng lahat ng pagmamahal na binuhos mo at ipinakita mo.
Well, baka nga tama yung “you deserve someone better.” You don’t have to settle for anything less than what you deserve so if I were you, go on and move on! Baka paraan na rin yan para makita mo kung ano talagang mali at ilayo ka sa maling tao na hindi naman talaga nakalaan para sa’yo. Parang sa pagtatanim ng halaman, itinanim mo ito ng magkatabi, but for the plants to be able to grow kailangan mo itong paghiwalayin para parehas itong lumago at mabuhay otherwise, parehas itong hindi yayabong at maaaring mamatay.
Hindi mo man ginustong iwanan ka, but still nasa iyo pa rin ang choice kung pipiliin mong maging masaya o magpapatuloy ka sa pagmumukmok na wala namang patutunguhan. Iisa lang ang buhay, sayang ang panahon at oras, hindi napapagod ang panahon kaya dapat hindi ka rin mapagod magmove on at magmove forward. You have to learn sa mga bagay na napagdaanan mo. Kung nadapa ka, bangon, gamutin mo ang sarili mo then move, lakad ulit… pero wag kang magmamadali kasi ikaw rin ang mahihirapan kung pipilitin mong madaliin ang sarili mo kahit alam mong masakit pa yung sugat mula sa pagkakadapa mo. Dahan-dahan lang, ika nga.
You deserve na mag-open ng bagong chapter ng buhay mo, marami ka pang makikilala. Kaya nga tayo iniiwan kasi may darating na bago para tumulong sa pag gamot ng sugat na nakuha natin from the past. Yun lang ang dapat nating gawin, move on and move forward sa buhay natin. Wag ka magpapalinlang sa “pain at wound” ng nakaraan, there’s more to life than that! Just think na isa lang yung tao na ‘yun na humubog sa pagkatao mo… na sa bagong chapter ng buhay mo, buong buo ka na. Mas stronger and better ka na than before, kaya mo na ulit humarap sa mga bagong pagsubok ng buhay. And above all else, you have already enough strength to love again.