Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Lahat tayo nakaranas na magmahal, mahalin, lokohin o minsan tayo ang nagloko. Pero panu kung isang beses pinaglaban mo yung taong mahal mo pero iniwan ka?
Nilaban mo sa kaibigan, sa kakilala, sa chismis at minsan sa sarili nating mga magulang pinagtanggol mo na siya. Tutol man sila pero sige ayan ka pa rin at pinipilit mong makita ng iba ang nakita mo sakanya.
Masaya, malungkot, nakakatakot, exciting, magtatampo at iiyak. Eto ang mga bagay na naranasan mo kasama niya. Mga bagay na first time, second time at minsan kahit ulit ulit na pangyayare parang bago sa pakiramdam.
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Sa isang iglap, sa isang araw na yun, di mo maintindihan bakit bigla siyang nagbago. Nanlamig. Sabay umiwas. At tuluyang nawala sa iyong landas. Gusto mong itanong bakit, paano at ano ang bagay na nagawa mo para lumayo siya? Minsan masasabi mong “anu bang kulang?” “May mali ba?” “may nasabi ba akong hindi mo gusto?” Mga tanong na di mo alam bakit ka iniwan. O sadyang hindi lang talaga niya kayang ipaglaban ang laban na kaya mong panindigan.
Masakit. Pero kailangan tanggapin. Kailangan kalimutan. At pilitin ayusin muli ang sarili. Maging masaya habang pilit umiiyak ang sarili mong di nakikita ng iba. Tumayo ulit at antayin ang taong kayang tapatan ang laban na hinding hindi mo bibitawan kailanman.
– sole