Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Darating din yung lalaking mas mahal ka.
Kung magkakaroon ka na ng lakas ng loob na iwan yung taong dahilan ng pag iyak mo ngayon.
Alam ko kaya naman e. Takot ka lang mag-isa.
Takot kang gumising bukas knowing na hindi na sya parte ng buhay mo.
Takot ka dahil wala ka ng matatanggap na mga sweet messages from him.
So what? Panghahawakan mo yung mga iloveyou’s good morning, good night ,kumain ka na ba, ingat ka?
Tapos ngayon umiiyak ka, nasasaktan ka. Asan sya?
Takot ka kasing harapin yung bagong routine ng buhay mo.
Nanghihinayang ka sa mga memories nyo, pero sa luha mo, sa efforts mo, sa sakit na pinaparamdam mo sa sarili mo ngayon, sa oras mo, sa worth mo, sa buong ikaw na unti unting nawawala, hindi ka nanghihinayang?
You are more than enough. Wake up!
Kung minahal mo ng sobra yung taong dahilan ng lahat ng bigat na nararamdaman mo ngayon, I know you can do it, but not with that kind of person again. I know it’s hard. Pero take a little step at a time, and you’ll get through it.
Walang pagmamahal na hindi masakit.
Walang nagmamahal na hindi nasasaktan
But we always have a choice.
Mas madaling piliing maging malungkot, pero sana pilitin mong piliing maging masaya. Because you deserve it after loving so hard.
You know what, I bet, if you cross paths again, it would be so easy for you to give him a smile and it would be painful for him to see that genuine smile you have.
It is always a blessing in disguise pag iniwan ka. So cry, there’s nothing wrong with that,but move forward.
Be better and believe in love again.
May taong mas mamahalin ka.