Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

…sinubukan naman natin diba? Baka hindi talaga…

Mga huling salitang narinig ko bago ka humakbang papalayo. Pinilit kong habulin ka pero hindi man lang ako maka ungos. Nanginginig, namamanhid na tila ba sarili ko na ang nagsabing sumuko na, papalayain na kita.

Nanlalaban ang puso ko na pilit ka pa ring abutin kahit alam kong malabo na. Napakalayo mo na, pinipilit ko pa ring paniwalaan ang salitang “mahal kita” kahit alam kong wala yang halaga sayo. Sinubukan nga natin pero bakit tayo tumigil? Baka simula pa lang mali na talaga? Di sana simula pa lang pinigilan ko na.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Tiisin ko na kumapit pa baka pwede pa, baka ngayon tama na ang lahat…pwede pang simulan ang natapos na.

Dahil ikaw lang ang nag-iisang tiyak sa isang libong duda…

Send me the best BW Tampal!

* indicates required