Kamusta?
Hinahayaan kita sa mga bagay bagay
Hindi nagbabawal basta ikakasiya
Alam kasi ang limitasyon sa lahat
Kahit buhay pagkasingle ang tinatahak
Bawal mag bawal dahil di pa asawa
Ngunit bakit bawal magbawal
Bakit nga ba?
Dahil ba sa nakaraan? natutunan?
Yung tipong ginawa mong mundo yung tao lang,
Kaya ngayong nagkaroon ng kasiguraduhan
Sa taong kapiling maninigurado na din sa sarili?
Natutunan mong hindi na magbigay ng sobra
Ngunit hindi ba parang hiling mo’y sobra?
Bakit ka pumasok sa relasyong hindi mo kayang ibigay ang buong ikaw, bakit sugatan at tila kakabangon palang sa gera ng nakaraan?
Masaya ka sobra, masaya tayo oo
Pero ako? Naisip mo ba ako kung masaya ako sa pinag gagagawa mo?
Sa mga kaisipang pinamumukha mo na kahit anong gawin ko walamg talab ang pagpapaawa at pagpapamulat sa mata mo ng kahalagahan ko?
Kaya mahal iniintindi kita, naiintindihan kita
Intindihin mo din ang mga susunod kong salita
Mahal hindi ko na kayang makipagsapalaran
Sa buhay na gusto mong ipamukha
Hindi ako aso na kailangan ng buto para mapasunod
Kung ayaw mong tratuhin kita ng buong ako at gusto mo suklian ko lang din ang kakarampot mong pagmamahal sakin ay hindi nalang
Hindi ko pipigilan ang sarili kong magmahal
Na ibigay ang buong pagkatao ko sa pinaka pinapangarap ko
Kaya mahal kung ayaw mo ay mas ayaw ko, mas ayaw kong makulong sa mundo na ginagawa mo
Sa ating dalawa alam kong una palang panalo kana
Suko na ako, di ko na kaya, kaya mahal pasensya kana, pagpapamulat mo sakin ng kaisipan ay nagmulat sakin sa kinabukasan
Na sa piling moy di magtatagal at di maglalaan
Ng pekeng pagpayag sa mga kundisyon mong kinawawasak ng aking kapalaran
Taas ang dalawang kamay
Taas pati ang aking puso at isipan
Ayoko na