Mahal ko,
Sa bawat tula na isinulat at sinadya para sayo
Hayaan mo na ang bawat titik at pangungusap
Na unti-unting binuo ng husto
Ang tuluyang maghatid sayo ng mensaheng ginusto.
Aamining hindi maitatago ang pasimpleng sulyap sa larawan mo
Na sa bawat ngiti’y naghahatid nang ligaya sa puso ko.
Mga titig na paulit-ulit kumukubli
Sa marupok na isipan ay hindi mawagli-wagli.
Mahal ko,
Sa bawat araw na nagdaan mas lumalalim
Pagkakilala sayo’y tunay ngang humihigit.
Tinig na tila baga’y naririnig
Totoo nga na ang bawat salita’y dinidinig.
Nais kong hawakan ang iyong mga mga kamay
Hihigpitan nang ninais na ika’y ipaglaban.
Nais maramdaman ang bawat mainit na yakap mula sayo
Na sa buong araw na pagod ay pupulupot sa pagkatao ko.
Mas pipiliin pang maghintay sa gabi na wala ka pa
Kaysa maghintay sa umaga na wala ka na.
Mahal ko,
Paulit-ulit na pipiliin ka’t mamahalin
Maligaw man sa daan ay ikaw pa rin ang hahanapin.
Malalim man ang dagat na lalanguyin
Mataas man ang kapisanan ng hangin sa himpapawid
Masukat man ang layo at distansya ng iniibig
Tayo lamang ang makapagsasabi sa tunay at higit
Na kayang gawin ng mga puso nating umiibig.
Mahal ko,
Nanaising ipagsigawan sa mundo mo ang mga katagang sasambitin
Tanging ikaw lamang ang makakarinig kahit pa saglit
Mahal na mahal kita at alam mo ‘yan
Mahal na mahal kita at tandaan mo ‘yan
Hindi natatapos sa tulang ito ang pag-ibig na inalay para sayo
Hayaan na sa bawat araw na darating
Ay lubos kong mapatunayan na ito’y tunay at higit.
Higit pa sa kayang maarok ng isipan mo
At higit pa sa kayang matanaw ng mga taong nasa paligid mo
Mahal ko,
Uulitin kong muli
Mahal kita
Sobrang mahal na mahal kita
Sa paghalik ng dapithapon at dilim,
Sa pagbalik ay bukang liwayway ang sisilip
Na ang bawat pagmulat at pagpikit
Ay dahan-dahang lililok ng marikit
Pakaingatan ang bawat kataga
Na ‘di pagsasawaang itaga
Sa tamang panahon na magsasama’y
Alam at higit na mapapatunayan
Na wala ngang papantay pa
Sa pag-iibigan na ikaw at ako
Ikaw at ako ang bida sa ating pelikula