Unang araw palang may iba na sayo. Sa unang araw palang napahinto mo na agad ang mundo ko. Sa unang araw na iyon, nagkakilala tayo. Naging matalik na magkaibigan. Nagdamayan sa kalungkutan pati na sa biruan. Alam ko na nung unang araw palang gusto na kita. Gusto kitang kaibiganin, gusto kitang kilalalain at nagustohan kita.

Sa bawat araw na dumadaan, ako’y iyong napapasaya kasi ngiti mo palang ako’y nakukuntinto na. Pero bigla kong nalaman na may iba. May ibang nagpapakilig sayo, may ibang nagpapasaya sa puso mo.

Hindi ko alam kung anong gagawin sa tuwing nakikita ko ang mga mata mong sa kanya nakatingin . Minsan tatahimik nlng sa sulok at pinapalakas ang loob. Minsan aalis, minsan tatawa tawa o kakalma.

Pero sa kabila ng lahat totoong pagkakaibigan sayo ko din nahanap. Kaibigan na maasahan at malalapitan pero isang araw nag bago ang lahat.

Isang araw, nagsimulang hindi mo na’ko pinapansin at di ko ma wari kung anong nangyayari sa’tin. Bigla akong napaiyak, nalungkot at napaisip. Kaibigan din pala ang nawala, hanep.

Bigla ko tuloy napagtanto na mas mahalaga ang pagkakaibigan natin kesa sa pangarap kong ika’y maging akin.

Nung tayo’y muling nag usap. Hindi ko na isip na minsan kitang pinangarap. Pagkakaibigan lang na tunay, sapat na wag ka lang mawalay.