Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Burado na

Tandang tanda ko pa
Panahong tayo’y magkasama
Mga masasayang ala-ala
Ngiti sa mukha ay di maipinta

Mga ala-alang nabuo
Kabesado ko Mula umpisa hanggang dulo
Mga pangakong nagmula sa bibig mo
Pinaniwalaan ng buong puso

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Nangakong walang bitawan
Ngunit ako’y iyong pinakawalan
Dagliang lumisan
Iniwan mo ng walang dahilan

Pagmamahal ko sayo na akala ko’y walang makakapantay
Ay nahanap ko na at ngayo’y nagbibigay kulay
Sa buhay kong dinulutan mo ng tamlay
Ngayo’y handang magbagong buhay

Ngayo’y nakahanap na ako ng bago
Mamahalin at pahahalagaan na ng buo
Dina sasayangin bawat oras at segundo
Kaya ikaw,oo ikaw,burado ka na sa puso’t isip ko yan Ang sigurado

Send me the best BW Tampal!

* indicates required