Sa paglubog ng araw nabalot ng dilim ang kapaligiran.
Nangangapa at tila di alam saan ang patutunguhan.
Naligaw ng landas, naakay sa kalawakang walang kasiguraduhan.
May isang pag asa na nagliwanag.
Tila nagbigay buhay sa pusong pagod na at puro iba nalang inatupag.
Liwanag na nag papaalala Ikaw ay mahalaga di man para sa kanya pero mahal ka ng Amang lumikha.
Sa mundong balot ng luha at dilim
Hayaan mong pawiin ng buwan ang bigat ng iyong damdamin.
Takpan man ng ulap buwan sa paningin Tandaan mong Hindi ka mawawaglit sa puso kung saan ka nakatanim.