Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Yung dating tayo,
Miss ko na yun
Mag kausap maghapon
Walang oras kang tinatanung.

Yung dating tayo,
Andyan ka pag umiiyak ako
Ikaw yung taga payo
Nagpapatigil ng luha ko.

Yung dating tayo,
Masaya kahit magkalayo
Palagi mo pinaparamdam
Na special ako.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Yung dating tayo,
Ako yung inuuna mo
Kahit nasa trabaho
Kahit pagod okey lang sayo,
Nakuha mo pa rin mag bigay ng oras mo.

Yung dating tayo,
Na nangarap
May pangarap
Para sa ating dalawa.

Yung dating tayo,
Na akala ko ,Ikaw Na
Yung makakasama
Sa saya,
Subalit paggising ko
Iba na ang tagpung ito.

Yung dating tayo,
Na parang tinuldukan
Ngunit May tanung kung bakit At ano?
Sa isang pihit ng libro bigla tayo nagbago?

Hanggang dito na lang muna siguro?
Baka kailangan muna lumayo at matuto
Sana may isa pang pagkakataon
Yung dati,gagawin na natin na bago.
At magkasama hanggang dulo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required