Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

(a reverse poetry)

 

Wala kang halaga…

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


At ayokong iisipin mong

para sa’yo lang ang aking mga ngiti

Dahil iba ka sa kanilang lahat

Hindi kita gusto

Malabong mangyaring

Espesyal ka sa akin

Sana lagi mong tandaan

na wala kang puwang sa puso ko

na wala akong pakialam sa iyo

Hindi pupuwede

lagi na lang tayong magkasama

Sa bawat luha at tuwa…

Kung iisipin mo,

tanging ikaw lang,

sa lahat-lahat,

ang nagbibigay kahulugan…

Binigyan ng musika

ang bawat pangungusap,

Nilagyan ng tamis

ang bawat pagtingin…

Binago mo ang aking mundo

Ngayon ikaw sa akin ay balewala

Nagkakamali ka sa iyong akalang

Iba ang turing ko sa’yo

Hindi totoong…

Di ako kumpleto,

Pag wala ka,

Na sana lagi kang nasa aking tabi,

Ang gusto ko,

Higit pa doon

Ayaw na kitang kaibigan.

 

(basahin mo naman nang pabaligtad. simula dito sa dulo)

Send me the best BW Tampal!

* indicates required