Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ito na naman tayo sa topic na pag-ibig.

Mas maraming sinisipag magbasa kapag tungkol sa pag-ibig ang topic.

Diba? Tignan mo, excited ka na.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


wait lang… Iniisip ko pa anong idudugtong ko…

 

In-love ka noh? tama ba?

owwwsss? Hindi ka in-love?

Ano, nasaktan lang… ganun?

Baka naman both? Nasaktan na nga… pero in-love padin?

Ay matinde! Congratulations!

Kahit ano pa man yang status mo, basta alam ko nagmahal ka na, for sure.

Hindi ka naman fish ball na hanggang ngayon ay hindi padin nagmamahal.

 

Masarap daw kasi magmahal.

Tanga daw yung mga nagmamahal.

Kapag nagmahal ang isang bilihin, diba naiinis ka?

kasi kulang yung pambili mo, kasi hindi sapat yung pera na mayroon ka.

Ganun ka din siguro sa taong nagmamahal sa iyo.

Naiinis ka sa kanya kasi hindi mo kayang tumbasan yung pag-ibig na meron siya para sa’yo.

Joke lang! Hindi mo lang talaga siya type kaya ka naiinis.

 

Pero ganun talaga eh.

Yung gusto mo, ayaw sa’yo.

Ayaw mo naman dun sa nagkakagusto sa’yo.

Choosy ka! Diba? Tapos nagrereklamo ka na single ka?

Joke lang! Tama lang yan. Matuto ka maghintay.

Easyhan mo lang ang mga bagay-bagay.

madami ka pa dapat unahin. Diba? Diba?

Madami ka pang priorities. Diba? Diba?

Sagot… Diba?  Sagot… Diba? Diba? Sagot…

 

Bt ayaw mo sumagot?

Yan tayo ehhh. Simpleng bagay hindi makasagot.

Kaya madaming umaasa at paasa kasi yung mga simpleng bagay hindi masagot.

Anong dahilan? Nalilito? Kinakabahan? Hindi sigurado? Natotorpe?

Hay nakooo naman, Wait. Humuhugot na pala ako.

Basta madami ka pang priorities, ayun ang point ko. Unahin mo muna ang mga yun.

 

Diba uunahin mo muna si Lord?

Diba gagraduate ka pa muna?

Diba mag-master’s degree ka pa?

Diba magiipon ka pa?

Diba bibili ka muna ng kotse at bahay?

Diba mag aabroad ka pa?

Diba? Diba? Sagot! Diba?

 

Hihintayin mo siya diba? Wait. Teka lang…

Ang dami mong plano pero kaya mo nga ba talaga maghintay?

Sure? Hmmmmm. Talaga ba? Weeehhh?

Eh bakit ginagawa ninyo yun mga bagay na pang-mag-asawa na hindi pa kayo kasal?

Hmmmm. Napapaisip ka ngayon noh? Trip-trip lang?

So, nakakatuwa yun? Masaya? Tatawa tayo? Enjoy?

Ohhhh. Bt nagiging seryoso ang mukha mo? Enjoy nga diba?

Hindi enjoy ang mali, tandaan mo yan. Hindi ngayon ang singilan niyan.

May chance pa para mag-bago. Tara, magbago na tayo!

 

Ooooohhhh! Sabi na eh, basta tungkol sa pag-ibig, buhay na buhay ang dugo.

Confirmed! In-love ka nga! Ayyy! Joke lang. Hindi pala.

Ikaw pala yung nasaktan at sa kabila ng lahat… in-love padin!

Wooooh! Mabuhay ang mga Martyr! Kumakapit padin kahit wala na.

Ayaw bumitaw kahit wala naman talagang sila! HAHAHA!

Ito ang pa-baon ko sa iyo, Dun ka sa na-aappreciate ka. Wag dun sa binabalewala ka.

WOOOOOOOAAAAAH!

Akalain mo? Naisip ko yun habang umuulan ngayong hapon.

Masarap talaga mag-emote kapag umuulan e noh?

Tas may background na malupet na kanta.

Tas ikaw naman mag-eemote na pang Music Video.

Ayan na! Ayan na! Pupunta na yan sa kwarto at magssoundtrip.

Bago ko ito tapusin, may tanong ako…

Mahal mo naman sarili mo, diba?

Diba? Ulitin ko yung tanong.

Mahal mo sarili mo, diba?

Pag alam mong hindi na tama. Tigil na.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required