Umaga na naman, mensahe mu ang aking inaabangan
Pilit kong nilalabanan dahil alam ko mensahe mo’y wala naman.
Ngunit alam ko kalakasan ko’y d pa sapat lumaban,
uunahan ng aking kamay sa kanan.
At pagbukas ng ilaw
Susunod ang pagpatak ng mga luhang naghuhumiyaw
Na dahila’y gigisingin ang sariling, Ikaw na nga’y bumitaw
Sisigaw ang puso upang ang sakit ay mapukaw.
Kukumbinsihin ang isapan na ikaw na ngay lumisan
Tumahak ng daan kung saan ako’y dna kabilang.
Lalabanan ang puso na sobra ng nasasaktan
At pipiliting kalimutan ang ating sumpaan.
Gigising at lalaban !
sa kabila ng hirap na pinagdadaanan.
Pagdadaanan at ipaglalaban.
Hanggang sa sarili ko’y muli kong matagpuan.