Alam kong matagal ka nang naghihintay.
Matagal ka nang nag-hahanda.
Ngunit patawad, Kaibigan.
Dahil gusto kita pero hindi kita kayang mahalin.
Patawarin mo ako kung hindi ko kayang i-pagsigawan.
O sabihin man lang sayo ng harapan ang nararamdaman.
Patawarin mo ako kung hindi kita mapahalagahan
sa paraan na dapat mo sanang nararanasan.
Patawarin mo ko kung wala akong magawa
Sa mga panahong kinakain ka ng iyong lihim na inggit.
Dahil ang mga kaibigan mo ay mayroon ng kasintahan.
Patawad dahil hindi ako pwedeng gumalaw.
Patawad dahil hindi ko pwedeng sabihin sayo.
Patawad dahil kailangan mong tiiisin ang mga naririnig mo.
Ang panunukso at pambubugaw sa kung sinu-sino ng mga kaibigan mo.
Patawad dahil hindi ako pwedeng mangialam.
Patawarin mo ako dahil gusto kita.
Pero hindi pa kita kayang mahalin.
Patawad, Kaibigan.
Dahil hindi pa tama ang panahon.
Dahil ang pag-ibig ay hindi minamadali.
Dahil ang tunay na pag-mamahal
Ay yung kayang mag-hintay at kahit walang kapalit.
Yung kayang manindigan sa gitna ng lungkot at pait.
Dahil ang tunay na intensiyon ng pagmamahal ay ang magbigay.
At ang tunay na nagmamahal ay yung kayang maghintay.
Ang tunay na pag-ibig ay yung kayang magpatawad at magmahal ulit.
Dahil ang pag-iibigan ay hindi naman puro saya ang bawat saglit.
Kaibigan, patawad.
Pero sana ay kaya mo pang maghintay.
Gusto ko naman na makasama ka habang buhay.
Pero dapat sa tamang oras na inilaan sa atin ng Maykapal.
Sa panahon kung kailan kaya natin manindigan.
Sa panahon na natutunan na natin na hindi sumuko ano man ang dumaan.
Sa panahon na tayo ay pareho nang matibay ang pundasyon
Sa Diyos na gumawa ng lahat at nag-disenyo ng relasyon.
Kaibigan, patawad dahil hanggang kaibigan palang.
Gusto kita pero hindi pa kita kayang panindigan.
Dahil ako’y nag-hahanda pa para sa ating kinabukasan.
Dahil nag-iipon pa ko ng lakas ng loob at nag-hihintay.
Sa tamang oras kung kailan mararamdaman ko na sa piling mo ay ayoko nang mawalay.
Dahil ayokong simulan ang hindi ko kayang panindigan.
Dahil hindi ko kakayanin ang iwan ka at ika’y masaktan.
Huwag kang mag-alala dahil sa takdang panahon,
Hindi sa panahong gusto mo o sa panahong gusto ko.
Kundi sa panahon na itinakda ng lumikha ng lahat ng nandito sa mundo.
Mag-tatagpo tayo kung san tayo mag-sisimula.
Alam kong matagal ka nang naghihintay.
Matagal ka nang nag-hahanda.
Pero pakiusap hintayin natin ang panahon na handa ako at handa ka.
Sa panahon na mag-tatagpo ang gusto kita at mahal kita.