Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sana hindi ka binitawan kung ganyan lang din ang iyong kahihinatnan.
Sana ika’y aking pinigilan kung alam ko lang na ikaw ay masasaktan.
Pero wala akong ginawa, wala akong magagawa,
Dahil ikaw mismo,
Ikaw mismo ang bumitaw at tuluyang lumayo.

Pinilit kung maging masaya,
maging masaya para sa inyong dalawa.
Maging masaya kahit ang sakit-sakit na.
Unfair diba!?
TANGA ba akong maituturing?

Gusto kong ika’y sumbatan.
Gusto kung kalimutan ka ng tuluyan.
Pero bakit?
Bakit ka ba bumabalik sa aking isipan?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Tinanggap ko na na hindi tayo magiging masaya.
Tinanggap ko na, na sya ang sayo’y magpapasaya.

Pero…

Ika’y biglang nagbalik,
Di ko malaman kung dala mo ba’y bagyo o delubyo.
Heto naman ako, sumalubong ng nakangiti sayo.
Ano na naman kaya ang dala mo, pighati o luwalhati?

Pero nang ika’y makita tila ba ikaw ay hindi masaya.
Kaya naman pala, iniwan mo sya.
Iniwan mo sya hindi dahil pinagpalit ka nya sa iba.
Iniwan mo sya dahil may nalaman ka.

Bakit ka ba sa akin palaging tumatakbo?
Dahil ba ako’y pansamantalang unan sa tuwing ikaw ay nahihirapan?
Pansamantalang panyo sa tuwing ika’y nasasaktan?
Pakisagot naman oh.
Para matanggap ko na ang katotohanan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required