Gusto, Pero Hindi Pwede.
Categories Relationships

Gusto, Pero Hindi Pwede.

Naisip nanaman kita kaya napasulat ako.
Lagi ko kasi iniisip bakit kaya hindi pwede?
We liked each other, we both even admitted.
Pareho tayong single, sure ako diyan, so I thought, we are at the right pace.

Kaso, nagbago ang lahat.

Fast forward today, sa hindi ko malamang dahilan, lagi kitang hinahanap.
Gusto kita i-message, kaso mukhang may iba ka nang kinakausap.
I am being embraced by loneliness and it’s your embrace that I long for.

Minsan pakiramdam ko, sa mga dumadaang dagok sa buhay ko, its your hand I want to hold on to. Kaso naalala ko, hindi na tayo masyado naguusap.

Gusto ko magkwento, kaso ramdam ko yung pag-iwas mo o sadyang hindi ka na lang interesado. Tanda ko, sabi mo kasi, natatakot ka na baka ma-fall ka.

Hindi mo lang alam gaano kahirap magpigil ng nararamdaman.
Hindi mo lang alam kung ano ang pakiramdam nang nagpipigil tignan ang mga stories mo sa FB at IG, ang pag-react at pag-comment sa mga bagong statuses mo, kahit ang simpleng pangangamusta sa’yo.

All those good mornings, “kumain ka na ba?” and good nights with kwentos at the end of the day that used to make notifications sound music to my ears, turned to a deafening silence. Yung walang araw na hindi mo sinilip ang stories ko, at yung mga kwentuhang may mga sense.

We are still friends though. We talk from time to time, pero about “business” na lang most of the time. Ang hirap magpanggap na okay lang ang lahat. Na parang wala lang, and that I am fine na friends na lang tayo na “crush” ang isa’t isa.

Ang hirap din magpanggap that I don’t give a flying f*ck, and that I am not bothered with that unspoken “What went wrong?”

Alam mo bang masakit aminin sa sarili na miss na miss na kita? Kasi ikaw, mukhang okay ka naman.
Alam mo bang masakit din tanggapin na kahit sa sandaling panahon, nagawa kong mahalin ka?

Oo, nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa fact na hindi ko naman hiningi o hiniling na iparamdam mo sa akin na espesyal ako, yet you did.

Nasasaktan ako kasi hindi ko matanong kung ano ba ang talagang nangyari at dahilan dahil ayokong tuluyan ka nang mawala.

Nakakaiyak. Or maybe its just me. Kasi kahit panahon na din ang nagdaan, naiwanan ako sa oras na akala ko, there will be a you and me in the end.