HINDI KO PA NAKIKITA KUNG PAANO TAYO PAGTATAGPUIN,
HINDI MO MAN NADINIG KUNG PAANO KO ITO IPINANALANGIN.
HINDI MAN AKO SAKSI KUNG PAANO MO HININTAY ANG PANAHON,
HABANG BINUBUO ANG MGA TAON HABANG HINIHINTAY TAYO NG PAGKAKATAON.

PERO INILUHOD NA KITA NGAYON,
AT NAGHANDA NA AKO SA PAGDATING NG PAGKAKATAON.
TEKA, NAIS KO NA IYONG MAUNAWAAN,
NA HINDI ITO ANG DULO BAGKUS SIMULA PA LAMANG.

KAYA IKAW AY MAGHANDA!
KASI AKO HANDA NA MAHALIN KA, HANGGANG SA TUMANDA.
HANDA NA AKONG SUMALUBONG NG SABAY ANO MANG PAGSUBOK ANG NAKAHANDA.
HANDA NA AKONG SABAY NA TAYO AY TUMANDA.

HANDA NA AKO NA BAGO KO ISIPIN ANG KAPAKANAN KO, IISIPIN KO MUNA ANG SAYO?
HANDA NA AKONG MAHALIN KA,
HANGGANG SA ORAS NA KAGANDAHAN MO AY KUMUPAS NA.

HANDA NA AKONG TANGGAPIN KA,
KAHIT NA SABIHIN PA NATING MAY MGA KAKULANGAN KA.
HANDA NA AKONG PUMINTA,
NG MATAMIS NA NGITI SA IYONG MGA LABI SA ORAS NA,
PARA KANG TINAKLUBAN NG LANGIT AT LUPA.

HANDA NA AKO NA,
NA MAGING TENGA SA PAGLABAS MO NG IYONG MGA PROBLEMA.

HANDA NA AKO NA,
NA MAGING SALITA PARA PURIHIN KA SA ORAS NA MAY MABUTI KANG NAGAWA,
AT MAGING SALITANG PANTAMA SA TUWING IKAW AY NAGKAKASALA.

HANDA NA AKO NA,
MAGING MATA,
AT TINGNAN KUNG ANO ANG MABUTI SAYO KAYSA,
MAGING MATA NA MAPANGHUSAGA.

HANDA NA AKO NA,
MAGING BISIG NA KAAGAPAY SA ORAS NG PAGKADAPA.

HANDA AKO NA,
GAMPANAN ANG RESPONSIBILIDAD NA NAKAHANDA.
AT MAGING ISANG PARTE NG PAMILYA NA NAKA BASE SA DESENYO NG LUMIKHA.

HANDA NA AKO SA,
PAGKUPAS NG LIKSI PERO HINDI NG SIGLA.

HANDA NA AKO,
SA PAGLABO NG PANINGIN PERO HINDI NG PAGTITINGINAN.

HANDA NA AKO
SA TUNAY NA PAG-IBIG NA HIRAP MAKITA,
PERO NGAYON NAKITA KO NA.
ANG TUNAY NA PAG-IBIG…
AY ARAW-ARAW NA PAG PILI
PAG PILI NG TAMA AT HINDI PILI NG MALI.
ANG TUNAY NA PAG-IBIG…
AY WALA SA SALITA KUNDI NASA GAWA,
ANG TUNAY NA PAG-IBIG
AY WALA SA SINGSING O MGA PANGAKO,
WALA SA PALAKPAKAN NG MGA TAO,
WALA SA KALANSING NG MGA BASO.
ANG TUNAY NA PAG-IBIG AY…
NASA DIYOS NA TAGAPAGLIGTAS MO,
NA MINSAN NIYANG PINADAMA SAYO.
KAYA KUNG AKO TATANUNGIN MO,
KUNG PAANO MAGING MATAGUMPAY ITO,
ISA LANG ANG MAPAPAYO KO SAYO,
MAHALIN MO…
ANG PINAKAMAMAHAL KO,
DAHIL SIYA ANG MAGHAHANDA SAYO.
HANDA KA NA BA?
SIGE BASAHIN MO NA LANG ULIT KUNG HANDA KA NA!