Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Halos sampung buwang puro kalungkutan

Na tila ba iniwan na rin ako ng kasiyahan

Noong gabing napagpasiyahan mong bumitaw,

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Bumitaw sa ating dalawa

 

Sampung buwan akong nag isip

Kung san ba ako nagkamali

Hindi ko ba naibigay ang lahat?

Hindi ko ba naipadama na mahal kita?

 

Hindi ko lubos maisip

Kung paano ako babangon ulit

O kung magiging masaya pang muli

Ngayong hindi na kita kapiling

 

Pero ngayon ay tanggap ko na

Hindi talaga tayo para sa isa’t isa

Kaya ngayon ay masasabi ko na

Na kaya ko na ng walang ikaw

 

Salamat sa ilang buwang pagsasama

Lahat ng ala ala’y di ko malilimutan

Pero kailangan ko nang kalimutan

Na ikaw at ako ay pwede pa

 

Ako na lang naman ang nakakapit

Umaasang baka maibabalik

Pero ngayon ay tanggap ko na

Kaya bibitawan na kita

 

Sarili ko naman ang aalagaan at pasasayahin ko

Dahil napabayaan ko na nung humahabol ako sayo

Bakit pa ako babalik sayo

Kung maaaring mawasak na naman ako

 

Sana maging masaya ka sa daan na tatahakin mo

Kasama ka pa rin sa mga panalangin ko

Kailangan ko na munang lumayo

Para mabuo kong muli ang sarili ko.

 

Hanggang sa muli….

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required