Current Article:

Hayaan mo na siya’y maging masaya

Hayaan mo na siya’y maging masaya
Categories Poetry

Hayaan mo na siya’y maging masaya

“Hayaan mo na siya’y maging masaya.”
Pauulit ulit, paulit -ulit
Mga katagang binabanggit
Sa tuwing gabi ay sumasapit

“Hayaan mo na siya’y maging masaya.”
Dahil mga paalam ay di ko na masasambit
Aminin mang nasasaktan pa ngunit
Nakitang may iba nang sa akin ay ipinalit

“Hayaan mo na siya’y maging masaya.”
Salitang hindi mabitaw-bitawan ng labi
Patuloy na hinihilom ang iniwan mong sakit
Sa pilit na pagsagot ng mga “bakit”

“Hayaan mo na siya’y maging masaya.”
Sa oras ng pagsulat ko nito nakakabit
Ang pagtatantong ikaw at masaya at may bago nang awit
At naroon sa piling ng bagong tao na laman ng iyong isip

“Hayaan mo na siya’y maging masaya.”
Kasabay ng pag-ibig kong nakahulma sa mga titik
Ng tula na sa iyo ay tila wala nang kapit
Ako ay lalayo at tuluyang mananahimik

“Hahayaan na kita maging masaya.”
Kung tila sayo ay kay tulin lang mawaglit
Ng pag-ibig, luha, lungkot , at pasakit
At sa akin man ito ay isang mahabang baybayin
Sa dulo alam ko, may saya na naghihintay sa akin

Leave a Reply