Pagpatak ng alas sais
Nung nakaraang gabi
Biglang nagnotify
Ang messenger sa aking CP
Ako ay napangiti
Nang aking nabasa
Ang iyong mensaheng
“Hey. Musta? ”
Ako’y napaisip
Paano kaya?
Kung iyo nang dadalasan
Ang pangungumusta
Mula sa minsan lamang
Sa isang buwan
Magiging twice, nine times
Twenty times a month
Siguro ika’y
Akin nang tatanungin
Ating constant communication
Ano bang ibig sabihin?
‘Di magdadalawang-isip
Ikaw na ay aamin
“I like you. Gusto kita.”
“Would you be my girlfriend?”
Malamang “Wait ha.”
Ang sagot ko sa’yo
“Give me time to think.”
Kahit sa loob “Of course, oo!”
Kasi ayokong lumabas
Na easy-to-get lang ako
At di naman ako sure
Ako lang ang iyong gusto
Paglipas ng mga buwan
‘Pag akin nang napatunayan
Na sigurado ka sa akin
Walang ibang dinidiskartehan
Aamin na sa’yo
Ng aking damdamin
“I’d like to be your girlfriend,”
“Kasi I like you na rin.”
‘Di maglalaon
Kapag mas lumalim pa
Ang ating damdamin
Sa isa’t-isa
Sure na sa’yong puso
Ako ang ‘yong “The One”
May trabaho ka na
At may ipon na rin naman
Dadalhin mo ako
Sa restong overlooking
Kung saan tila nasa lupa
Mga talang nagniningning
First time kong maririnig
Sa iyong mga labi
“I love you.” ‘Tas, kasunod
“Will you marry me?”
Unang beses mo ring
Maririnig mula sa akin
“I love you too. Yes!”
“Ika’y aking mahal din.”
“Of course, I’d marry you.”
“I’d like to be your wife.”
It’s you I wanna be with
For the rest of my life
Rosas at ginto
Ang motif ng ating wedding
Sa isang malawak na hardin
Ito gaganapin
Pagkatapos ng kasal
Tayo ay aalis
Para sa’ting honeymoon
Sa siyudad ng Paris
Tayo ay tatandang
Laging magkasama
Masigla, masaya
May anak na lima
Magliliwaliw
Magtatawanan
Mag-iiyakan
Magmamahalan
Nung bandang iniisip
Ko na kung ilan
Ang magiging apo natin
Magre-retire tayo, saan?
“Tok, tok, tok” aking
Biglang narinig
“Ate, hapunan na daw!”
Sabi ng tinig
Noon ko lamang
Napagtanto
Ang layo ng nalipad
Ng isipan ko
Ni magreply nga
Ay nakaligtaan na
‘Di pa ‘ko nakasagot
Sa message mong
“Hey. Musta?”