Hindi Lahat ng Lalaki
Categories Poetry

Hindi Lahat ng Lalaki

Sino ba kaming mga lalaki?
Meron ba kaming maipagmamalaki?
Ayon sa mga babae kami’y sinungaling
Sa pambobola lang daw kami magagaling.

Sabi nila kami’y manloloko
Sabi nila kami’y babaero,
Sabi nila sinungaling kami
at Sabi nila marami kaming nilalandi.

Hirap daw silang kami’y pagkatiwalaan,
Sapagkat ginagawa lang naman daw nami,y kalokohan.
Takot na daw silang magmahal muli
Dahil sa ginawa naming mga mali.

Hindi nila alam
hindi lahat nakakaalam
Na Hindi lahat ng lalaki
Walang mga pake.

Hindi lahat ng lalaki manloloko
Hindi lahat ng lalaki sinungaling na tao.
Hindi lahat ang alam lng ay magbiro
Hindi nila alam marami rin ang seryoso.

Ang hanap kasi nila’y mga gwapo
Yung mga lalaking hindi marunong rumespeto.
Imbis na ang ibigi’y tinitibok ng kanilang puso,
Ang pinipili’y lalaking nais lang ay mangloko.

Hindi nila alam
Hindi lahat nakakaalam
May mga lalaking torpe,
Na sumusulyap nlng palagi.

Mga torpeng laging di pinapansin
Torpeng lagi nlng nakatingin.
Masaya nang makita kanilang iniibig
Napaka tahimik pag sila’y kinikilig.

Meron namang mga lalaking kung magmahal ay seryoso
Kung magmahal ay walang halong biro
Mahal ay aalagaan
Lahat ng oras ilalaan

Laging andyan para sa iyo
Laging sasabhin ikaw lamang sa puso ko.
Lahat ay gagawin mapasaya ka lamang
Kayang ibaba ang pride masunod ka lng.

Marami ring mga lalaki
Mahal ay ipinagmamalaki
Kahit saan man ipagsisigawan
Mahal ka niya magpakailan pa man.

Ou nga’t maraming lalaking manloloko
Dulo’t lang ay manggulo
Ngunit wag niyong nilalahat
Dahil may mga lalaking mga tapat.

Tapat kung magmahal
Marunong pang magdasal
May Diyos na kinikilala
Sa kanyang mga magulang kaya kang ipakilala.