Larawan
Muling binalikan
Nakahimlay sa malalim na minsan
Gusto ko lang maalala ang kasiyahan bago ang paglisan
Mga karanasan
Mapa luha o tawa man
Patawad
Patawad kung naging tanga
Para hindi ka palayain ng basta basta
Para masaktan ka ng higit pasa sobra
Malalim sa kahapong minsang ikaw
Salamat
Sa mga ngiti at kilig
Natutunang masaya kung may kasama
Sa sakit ko nalaman
Dadaing sa bawat pangako
Bawat letrang ibinigay
Ngunit sa tuwing tinititigan mula sa kahapon
Isa lamang akong tanga na hindi inisip ang iba
Huli
Kaya patawad
Sa mga nagawa
Nasabi at inisip
Salamat sa tula
Salamat sa larawan
Kahit huli na
photo by: rqlvctr