“Ilang oras ka na bang nakahiga?
Di alam ang sasabihin
Di mawari ang libro sa damdamin
Tahimik ngunit maingay
Ano ba ang dapat gawin?
Sa unan nang iyong mga luha
Huminga ka nang malalim
Ngumiti at umahon sa dilim
Imulat ang iyong tingin
Baka kasi ika’y nakapikit
Sa mga kislap ng bituin”