Maaaring iniisip mo parin yung mga ‘sana’ at ‘what ifs’.

Maaaring nanghihinayang ka pa rin sa kung ano na sana kayo ngayon.

Maaaring iniisip mo pa rin yung mga panagarap na sabay ninyong binuo at mga alaala na ginawa ninyo ng magkasama.

Maaaring hinahanapan mo pa rin ng mga kasagutan ang mga tanong mong ‘bakit’ at ‘paano’.

“Bakit natin hinayaan na maging ganito tayo?”
“Paano tayo umabot dito?”

Mga katanungan na kahit anong gawin mo ay walang matinong kasagutan.

Siguro panahon na para tanggapin mo na hindi ka para sakanya at hindi siya para sayo. Masakit na katotohanan pero dapat mong malaman.

Siguro panahon na para i-let go. Kalimutan ang sakit, pait at galit dahil kailanman hindi ito makakabuti sayo.

Siguro iniisip mo na hindi ganun kadali yun. Maaaring masakit pa rin para sayo pero damahin mo lang at unti-unti mo rin itong bitawan kasabay ng pagtitiwala mo sa proseso.

Maniwala kang may nakalaan pa para sayo, at hindi darating ito kung hindi mo bibitawan ang mga bagahe ng nakaraan mo.

Maniwala kang may itinakda pa para sayo. Higit na mas deserve mo dahil hindi mo na kailangang pilitin at magmakaawa pa dito.

Huwag kang manghinayang. May nakalaan pa para sayo.
Mas maganda, mas totoo at lalong inihanda talaga para lang sayo at sa ikabubuti mo.