Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

MAHAL MO PERO HINDI NA PARA SAYO…

Mahal mo pero hindi nya na dapat malaman pa. Kasi alam mong wala na sya. Na baka lalo lang sya lumayo hanggang sa hindi mo na sya makita.

Mga salitang hindi mo na dapat sabihin pa, mga bagay na hindi na nya dapat malaman pa. Kasi alam mo na nakapagdesisyon na sya, at hinding hindi na un magbabago pa. Kaya kailngan mo nalang tanggapin na hindi na kayo para sa isa’t isa.

Na kahit anong pilit at gusto mo sabihin sakanya na miss na miss mo na sya. Ipaalala sakanya yung mga masasaya nyong ala-ala . Yung mga bagay na madalas nyong ginagawa ng magkasama, Na kayong dalawa lang sa lungkot at ligaya. Sya At Ikaw.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero ngayon SYA nalang at IKAW ngayon ay mag-isa. Kahit gaano mo gustong sambitin  sakanya na “Bumalik ka na, na sana akin ka.Gusto mo magkwento sakanya ng kahit na anong masaya para lang makausap mo sya. Puntahan kung nasan man sya para maging okay ka at  pagkatapos non aalis kana dahil nasilayan mo na yung taong isa nalang parte ng iyong ala-ala.

Certain things must left unsaid. Kasi nga hindi naman na mababago nun ang lahat kapag nalaman nya na baka sa huli magmukha ka lang tanga. Na baka kapag ipinilit mo pang sabihin sakanya mas maging kawawa ka lang sa eksena.

Pero alam mo darating din ang araw  na kahit na ano ung kagustuhan mo mangyare ngayon , mas maiintindihan mo na may dahilan din ang lahat kung bakit binigay sayo ni Lord yung sitwasyon na meron ka ngayon. Na darating din ang araw na magiging baliktad na yung sitwasyon. At makakalimutan mo din ang lahat ng sakit. Makakalimutan mo rin yung mga bagay na masakit, makakapagpaalala sayo kung gaano kasakit. Kung gaano ka wasak na wasak. At unti unti rin mag hihilom, dahan dahan , hanggang sa makabangon ka ulit. Matitira nalang yung ala-ala. Ngingiti ka kung saan kayo naging masaya , ngingiti ka dahil wala ka na sa mapait na alaala.

I’LL ALWAYS FORGIVE BUT I’LL NEVER FORGET. Mga katagang paulit ulit kong sinasambit. Hindi ko man makalimutan yung sakit  sa paglipas ng panahon ngunit kailngan ko parin magpatawad.

You can start all over again, even if its not the easiest thing to do. Cheer up. Look forward. They are not only the people, na magtuturo sayo kung paano magmahal at mahalin ulit. At isang araw pag gising mo mararamdaman mo na , hindi na ikaw ang naghihinayang dahil nawala siya.

Wala mang permanente sa mundo pero ang katagang IKAW AT AKO ay hindi na muling magiging TAYO.

2016

Send me the best BW Tampal!

* indicates required