I know what I deserve but…
Categories Relationships

I know what I deserve but…

Bakit parang ako palagi?

Sa tuwing may tampuhan, sinusuyo kita, iniintindi kita.

Pero pag ikaw na ang taya, wala na. Ekis na. Uwian na. Kasalanan ko pa.

Dahil sa ako ang hindi marunong umintindi. Dahil sana naisip ko man lang yung mararamdaman mo bago ako mag tampo?

Sabi mo nga, “Nag sorry na nga diba?” Pero hindi lahat ng sorry, mawawala na yung sakit. Gumaling na. Di ganon yun.

Kasalanan ko nanaman ba na hindi kaagad nawala yung sugat? Dahil nga sa sinabi mong nag sorry ka na?

 

Sabi ko noon, gusto ko ako naman ang bida. Eto na nga, binigay nga sakin, pero bibida pala sa ibang eksena.

Ang daya lang ng mundo minsan. Yung minsan na ginagawa mo yung lahat ng adjustment para lang hindi kayo mag away,

pero pag ikaw na ang napagod, ikaw pa ang may kasalanan.

I know what I deserve because I experienced different kinds of love but still…