Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

May 2 years na kami ng bf ko and mag 1 year na mag LIP, nakatira kami sa bahay namin. We don’t have our own room, kasama namin sa room mom ko and kapatid ko at mga anak nya. yep, wala kami privacy. Privacy na hindi lang pagdating sa intimate,pati kapag nag away kami ng LIP ko, they tend na manghimasok, and then pinagsasabi nila sa iba tao na nadadamay daw sila pag nag aaway kami but the fact na mahilig sila manghimasok.

Last time na nagsagutan kami ng LIP ko, sumilip ang kapatid ko and then nag announce na labas na nag aaway na namn daw kami. Tinawag ung isa ko kapatid na awatin daw kami, kahit nagsasagutan lang kami. Hangga sa dami nilang pinaglalabas na issue, lumaki ang away sa bahay. Tapos kami sisihin na nadadamay sila, Kasi hindi sila umaawat, sumasali sila. Instead na umayos kami ng LIP ko kapag nag aaway kmi, they putting “MORE” flame to the fire, mainit na nga ulo namin tapos sila kung ano ano pa pinapasok nilang issue, tampuhan lang dapat pero naging away because of them, ending magka away kami ni LIP pati sila kaaway na namin.

We decided na mag rent ng LIP ko, para magka peace of mind kami dalawa at wala ng manghimasok saamin. And my mom is not okay with it, ofcourse hindi na kami mag aabot ng pang gastos sa bahay we are on our own na. Before we moved out hindi nila kami iniimikan lahat and they’re so cold kasi mababawasan ang ka share nila sa gastusin, i’m the youngest and we are 4 siblings, ung isa ko kapatid walang trabaho.

Okay lang, hindi habang buhay magkakasama kami sa iisang bahay.