I love Basketball
Categories Poetry

I love Basketball

Sa dinamidami na sports na alam ko
Basketball lang ang hilig ko
Simula pa noong bata pa ako
Larong basketball na talaga ang kinahiligan ko

Basketball ito ang nagbibigay sa akin ng saya
Sa bawat lungkot na aking nadarama
Sa dinadamidami ng aking problema
Court at bola ang aking kasama

Sa basketball naka hanap ako
Ng mga kaibigang tapat at seryoso
Sa tuwing kami nag lalaro
Pagsasama namin ay buong buo

Minahal ko ang larong ito
Tulad ng pag mamahal ko sa sarili ko
Salamat sayo binago mo ang buhay ko
Kung hindi dahil sayo hindi sana ako ganito