Kipkip ko ang pangakong huling nasambit
Para bang isang aguinaldong buong taong inisip
Kaysarap antayin ng paulit ulit
Bitbit mo hanggang sa panaginip
Ilang beses na nga ba?
Hindi ko na ata maalala
Meron nga ba?
Kasabay kasi ng mga masakit na alaala
Walang paalam, biglaan at dko inakala
Bawat kirot sa pagkakataong paulit ulit
Masakit pero sinubukan at pinipilit
Isang araw magbabalik ang iyong init
Magulo pero db ako lang ang mundo mo?
Oo!db wala tayong pake sa mga tao?
Pero bakit ganun ambilis ng pagbitaw mo?
Db pangako mo kahit anong mangyari tau?
magunaw man ang mundo ikaw at ako
Ikaw? Ikaw pala sa iba inilaan na ang puso