Pero sino ka nga ba talaga?
Gustong-gusto na kitang makilala,
baka sakaling maalis ang pag-iisip sa taong umalis ng walang paalam.
Patawarin mo aking mahal.
Oo mahal, dalawa ang nasa aking isip
ikaw at siya
bakasakaling kayo ay iisa.
Ako’y nanahimik ngunit maingay ang aking isip
hindi mapigil kakaisip.
Ikaw nga ba ay siya?
Ilang beses nang gustong itigil ito
pero aking tanong,
Bakit hindi ka matanggal sa aking isip at puso?
Sumubok ng maraming bagay para ikaw ay malimutan.
Ako pa nga ay nag-aral tumugtog ng intrumento,
ngunit bakit ikaw pa rin ang naririnig sa ‘twing titipak sa piyano?
Nag-aral ding mag-sulat,
ngunit ikaw pa rin ang siyang sinusulatan.
Ikaw nga ba at siya ay iisa?
Ako’y tumigil ng saglit
Lumuhod at nanalangin
Nag-antay at nakinig sa dumisenyo ng pag-ibig
At aking narinig ang banayad nyang tinig,
dala-dala’y sagot sa aking tanong.
Ikaw nga ba at siya ay iisa?
Alam ko ikaw ay isang multo,
Ikaw pala ay isang misteryo.
Ako’y pinaasa
Pinuno pala ng pag-asa.
Akala ko na ikaw na
Siyang ikaw nga.
Akala ko’y maling paniniwala
tawag pala ay pananampalataya,
na ikaw at ako.
Sapagka’t marahil nahiwalay sa isa’t-isa ng sandaling panahon
upang sa muling pagtatagpo makasama ka na sa habang panahon”
Ngayo’y aking naintindihan,
Tunay na ikaw nga ay siya – ang sagot sa ‘king panalangin.