Ano itong nadarama

Sa tuwing ika’y aking nakikita

Ang labis na tuwa

Ay hindi basta-basta nawawala

Nagsimulang ikaw ay hanapin

Gusto lagi’y ikaw kapiling

Ngunit ano itong damdamin

Ang gulo-gulong isipin

Sa tuwing tayo ay magkasama

Di maitago ang labis na tuwa

At sa iyong mga tingin

Ningning ng aking mata’y iyo bang napansin?

Bakit ako masaya sa tuwing kasama kita

Bakit kita hinahanap at laging gustong makita

Bakit sa aking isipan ay hindi ka mawala

Bakit ikaw pa, Oo ikaw na nga