Ang araw na ito ay nagsimula ng walang pagka kaiba sa mga nagdaang kahapon. Nagising ako, naghanda pra sa pag pasok sa trabaho at ginawa ang aking tungkulin bilang empleyado, nakipag kamustahan sa pamilya at kaibigan at umuwi ng bahay sa pagtatapos ng araw. Ang tanging pagkakaiba ng araw na ito ay ang pagbaha sa aking ‘social media account‘ ng mga larawan ng iyong kasal… ikinasal kna pala…
… “napakaganda ng larawan ng bagong kasal” ang aking naisip, saka ko lng napagtanto na kilala ko nga pala ang dalawang tao na nasa larawan… marahil kinailangan ng ilang segundo upang makilala ko kayo sapagkat kayo ang nabibilang na sa aking nakaraan… nakaraang parte ng aking pagkatao na kinailangang kalimutan sa pagpapatuloy ng buhay…
… tinanong ko ang sarili ko “anong nadarama mo?” ako’y nagkibit balikat lamang, ngumiti at sinabing “masaya ako para sa knila, ngunit malungkot para sa sarili ko”…
… tunay na masaya ako para sa inyo – kayo ay pinagpalang mabiyayaan ng tila bagang sa akin ay mailap na “forever“… malungkot ako para sa sarili ko hindi dahil hindi ako ang pinili mong makasama habang buhay kung hindi dahil tila bagang ako ay nkalimutan na ni Lord sa departamento ng pag-ibig…
… sa hinuha ko napagtagumpayan ko namang pagyamanin ang aking sarili upang maging karapatdapat sa darating na “the one“. Niyakap ko ang aking “season of singleness” – naging aktibo ako sa sports, tumulong sa komunidad bilang volunteer, nag travel – bumuo ng bagong pagka kaibigan at nag ipon ng mga mgandang mga ala-ala na talaga namang nagbigay sa akin ng saya ngunit tila may kulang pa…
… nais ko sana na mayroon sa buhay ko ng isang espesyal na tao kung kanino maibabahagi ko ang aking saya… isang tao na kasama ko sa pag experience ng mga kaganapan sa buhay… isang taong kasama kong bubuo ng mga magagandang ala ala… pero ngyon ay wala pa sha… kaya ako nalungkot – dahil pra bagang pinaalala nanaman ng pagkakataon ang aking pag-i-isa…
… ngunit patuloy akong mag hihintay at magiging masaya para sa mga tulad mong ikinasal na… dahil ang bawat pag iisang dibdib ng dalawang tao ay patunay na may “forever” at sa tamang panahaon dadating din sha sa buhay ko…