Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahal, ilang beses mo na ba akong sinaktan?
isa?dalawa? tatlo? apat? lima?
Gamitin mo man lahat ng iyong daliri sa pagbibilang kung ilang beses mo na akong sinaktan hindi yan magiging sapat.
Katulad sayo na kailanman di ako naging sapat.

Mahal, ilang beses mo na ba akong pinaluha?
isa?dalawa? tatlo? apat? lima?
Gamitin mo man lahat ng iyong daliri sa pagbibilang kung ilang luha na aking iniluha ay hinding-hindi mo yan masusukat,
Tulad ng pagmamahal ko sayo na kailanma’y di mo masusukat.

Mahal, ilang beses na ba kitang binigyan ng pagkakataon?
Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Lima?
Gamitin mo man lahat ng iyong daliri  sa pagbibilang kung ilang beses na kitang binigyan ng pagkakataon,
hinding-hindi mo yan mabibilang kahit na kailan
Gaya ng pag-ibig ko sayo na kailanma’y di mo matutumbasan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ilang beses mo na akong sinaktan at pinaluha.
At ilang beses na din kitang binigyan ng pagkakataon.
Mahal, hindi ba iyon naging sapat upang maramdaman mo na tunay ang aking pagmamahal?
O kailanma’y di ako naging sapat upang mahalin mo ako ng ganoon ding sukat?
Kaya’t mahal ilang beses pa ba upang ako’y iyong mahalin at maging sapat?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required