Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ako’y may maiksing kwento,
Na pwedeng mapahinto ng mundo mo.
Pag nabasa mo ang laman ng kwento,
Wag ka sanang mag-isip ng kung anu-ano.

Hindi ko inaasahan na makita at makilala ang isang tao,
Na hindi naman habulin at hindi kahuhumalingan
ng mga babae na nakapaligid sa kanya,
Dahil halos parehas lang kung pumorma.
Ang lakas maka-OPPA at di ako nagkamali, mahilig nga siya.
Porma pa lang alam ko na, kilos pa lang sigurado na.
Pero ang puso niya? Hindi ko pa alam kung may pag-asa nga ba.

Habang tumatagal ang araw mas lalo ko siyang nakilala kahit di kami nagkaka-usap sa tunay na naming buhay.
Nakakatawa ang pakiramdam na para kang stranger sa kanya dahil ni minsan hindi ka naman talaga niya nakilala, sadyang dumating ka lang sa buhay niya.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ang Handsome ng porma,
Kung ngumiti ang lakas maka-ooppa.
Boses pa lang alam ko na kung andiyan siya.
Likod at lakad kilala ko na.
Pero ang puso niya? Hindi ko pa alam kung may pag-asa ba.

Travel Agency ka ba?
Magpapa-reserve sana ako, kaso mukang naka-booked ka na sa iba.

Passport ka ba?
Kelangan ko pa kasing maghintay ng ilang linggo para maka-singit lang sa buhay mo.

Ooopps! Ang maiksing kwento mukang hahaba pa dahil hindi pa tapos ang kwento,
Kasi naman hindi pa tapos ang kwento ng isang babaeng napalingon lang naman sayo at bigla kong natulala sa ka-gwapuhan mo.

Hindi ako magaling mambola, sadyang magaling lang ako magsabi ng totoo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required