Hindi ko inakala magiging kaibigan kita. Noong una hindi kita pinapansin acquaintance lang ang tingin ko sayo.
Hanggang isang araw kinausap mo ako at doon nagsimula ang pagkakaibigan natin.
Lagi mo ako kinakamusta sa text or chat hanggang nasanay ako. Inaya mo ako lumabas, at dun nagsimula magtanong ang isip ko kung bakit?
Pero hindi ko pinaalam sayo dahil inisip ko lang friendly date lang yun. Pero hindi nagtagal nasundan pa ang paglabas natin. hanggang unti unti na
nagbabago nararamdaman ko sa’yo. Pero tinago ko eto at ako ay nagpatuloy lamang sa masaya na nararamdaman ko kapag kasama kita or kahit kausap kita sa chat or tawag sa phone.
Hindi ko inisip ko saan eto hahantong. Hanggang dumating ang isang araw bigla ka na lang nagbago at nanahimik.
At dahil doon para ako mababaliw kakaisip kung bakit ka umiiwas at nanahimik? Tanong na gusto ko masagot, kaya naglakas ako ng loob tanungin ka at linawin ang tungkol sa atin.
Kahit na mahirap para sa akin. At ang tanging sagot mo ” Friend lang talaga at wala ng hihigit pa doon.” Ang sakit lang malaman na ang lahat ng bagay at pinakita mo at kilos
ay kaibigan lang at wala espesyal. Oo na-fall na ako ng hindi mo alam, Oo mali dahil nag-assume ako, umasa at Inisip ko Sana Ikaw Na.
Masakit man pero tatangapin ko, dahil alam ko may mas maganda plano ang Panginoon sa buhay ko. Isa lang ang sasabihin ko Salamat at nakilala kita at dumating ka sa buhay ko.
By God’s grace, darating din ang araw mawawala din ang sakit at gigising na lng isang araw wala na ako nararamdaman na espesyal sayo.
“The Lord is nigh unto them that are of a broken heart; and saveth such as be of a contrite spirit.” Psalm 34:18