ISANG TAGAY!

Isang tagay!

Para sa mga pusong naging biktima ng pagkakataon at mga maling panahon.

Para sa mga pusong walang ginawa kung hindi ang magmahal ng tapat at matiyaga.

Para sa mga pusong walang ibang hinangad kung hindi ang magpasaya, nang walang hinihintay na kapalit kundi halaga.

Isang tagay!

Para lunurin ang pusong winasak ng masalimoot na karanasan sa pag-ibig.

Mga pagkakataong kasing labo ng mga mata kung saan ang mga luha ay namuo.

Isang tagay! Isang tagay lang ang kailangan ko.

Isang tagay para pansamantalang kalimutan ang sakit at pait ng pakirandam ko.

Isang tagay upang malunod ang isip at pansamantalang tumahimik.

Isang tagay!

Isang tagay hanggang sa ako ay malasing kahit alam kong kinabukasan,

lahat ng ito ay babalik sa akin – ang sakit, ang pait, ang hinaing.

Ngunit sa ngayon, isang tagay na muna…

Kung dito ako pansamantalang sasaya.

Isang tagay na muna, hanggang sa bukas-makalawa o sa susunod man na taon…

Ako ay maayos na… at di na aasa sa isang tagay.

Exit mobile version