Tuwing sinasabi mong nasasaktan ka, na umiiyak ka
Pilit kong hinahanap ang mga salita ng makakapawi sa iyong mga luha.

Minsan nababanggit mo na gusto mo nang sumuko sa mundong ito,
Kung pwede lang na akin na lang lahat ng sakit na lumulunod sayo.

Paano ko hahayaan na kunin nila ang iyong mga ngiti,
Kung ang iyong pagtawa ang nagbibigay sakin ng saya?

Bakit ko papayagan na ika’y biglang bibitaw na lang,
Kung ang lahat ng kulay na aking nakikita ay ikaw ang dahilan?

Sa mga sinasabi kong ito, marahil ikaw ay nagtataka,
Alam kong ikaw ay nagtatanong sa mga bagay na aking ginagawa.

Gusto ko lang ipaalam na hindi ako naghihintay ng kahit anong kapalit.
Hayaan mo lang ako na ipalimot sayo lahat ng luha, lahat ng sakit.. Kahit saglit.