Sa tula idadaan
Pagpapahayag ng nararamdaman
Ito ang aking paraan
Iniaalay ko para sa isang nilalang
Samahan ay sinimulan
Pinagbuklod at naging sandalan
Sa kalokohan o tuksuhan man
Lalo na sa walang humpay na galaan
Kaibigan ang aking naging kasangga
Sa lungkot at saya
Pundasyon ang bawat isa
Kaya kayang harapin ang bawat sikat ng umaga
Ka- kapatid ikaw ay higit, hindi ka ipagpapalit
I- ikaw ang biyaya na ipinagkaloob ng langit
Bi- binigyan mo ng kulay ang mundo
Gan- ganyan ka kaibigan ko